Engineer’s Day Out: What happens in LA stays in LA. The complete Tagaytay Getaway kasama si Papoot Boy!

Taal Volcano: View from Picnic Grove Tagaytay
Image via Wikipedia

One day, isang araw, nagkayayaan ang high school barkada na magkita-kita at sumugod sa bagong lipat na si Pareng Denby kung kaya’t ako’y napagawa ng invites gamit ang Peysbuk Event kung san napakadali nalang mag-invite at maglagay ng details. Ibang iba na nga talaga ang technology ngaun at lahat ay mahahanap mo na sa Internet saan mang sulok ng mundo pero ibang-iba pa rin pag magkakasama kayo ng harapan at sabay-sabay na nagkukulitan. Super kulitan talaga ang  nangyari sa lakad namin nitong nakaraang Biyernes ika-Bente Siyete ng Hunyo 2011 ng aming sugurin ang bahay ng aming bigating kaklase ehehe.

Alas dose palang nagtext na ang kumare kong si Jen na di pa raw natutulog at toxic daw. Baka naman ibig niyang sabihin eh entoxicated na siya in short lasing na haha. Aba aba di na ako makatulog kaya’t naisipan kung ubusin ang oras sa panonood ng Hawaii Five-O, TV series na obvious ang location ay sa Island of Hawaii at natapos ko ang Season 2. Isusunod ko na sana ang isang pelikula ng mga bandang alas kwatro ng umaga nagparamdam na ang kumpare kong hapon este marunong ng Nihonggo at nagtanong kung anong oras kami magkikita na ang sabi ko ay alas sais na walang isip isip kasi gising na nga ako.

Maya-maya me nagtext na uli at nagtatanong kung san at anong oras magkikita-kita. Aba aba di pa nakalista sa phonebook ko ang kumag pero magaling kasi nagpakilala agad. Pamilyar ang tinutumbok ng mga salita or mensahe sakin tiyak ko ngang kilala ko ito, text palang nakakatawa na eh. Sino siya? Walang iba kundi ang napakasipag naming classmate noong high school at ang di nauubusan ng energy na si Boy Papoot or Boy Pandesal at me ari ng isang pampasadang Jeep sa lugar namin na si Bernard Mose. Reply ako at sabay sabing punta na siya ng Pacita Complex, San Pedro, Laguna ng mga 7am or 8am sa tantiya ko lang naman at wag kalimutang magdala ng nakakalasing na inumin sabay text ng oo dalhin ko lambanog. Sabi ko ayos, sige magprepare na ako.

Punta na ako ng banyo ng naalala ko me isasampay pa pala ako so ang lolo mo dali-daling nagsampay at ng natapos derecho ligo. Nagpalit ng damit at dala ng gamit. Di na kasi ako sanay ng walang dalang backpack pag aalis feeling ko me kulang kung kaya’t laging me nakaakbay na bagelya sa likod ko. Text na ako sa dalawa na papunta na ako pero me naalala ako kulang ang bala ng wallet ko kaya nagtext ako na daan muna ako ng office para kumuha ng datong. Mga tantiya ko 2 oras ng nag-aantay ang kumpare kong si Tope sa Magallanes MRT Station kung kaya’t nagtext na mauuna na siya, naloko na isang station nalang mag-aabot na kami at magkikita. Kasalanan ko kasi di na ako nagrereply ikaw makukuha mo pa bang magtext kung Meralco Ortigas hanggang MRT Ortigas ang tatakbuhin mo at siksikan sa train? Haha! Un nga nangyare mga kaibigan napatakbo ako pero huli pa rin ang text ko nakasakay na siya ng sinabi kong isang istasyon nalang at mag-aabot na kami kaya Ayala palang baba na ako at sakay ng bus papuntang Pacita Complex.

Si Papot wala pa sa mode magpapicture ehehe.

Pagdating ng Pacita Complex tamang-tama ang baba ko at pwesto ko sa tapat ng Jollibee ito na nakita ko ang mukha ni Papoot natatawa na ako pero serious muna ako sabay niyaya akong kumain ng breakfast tanggi muna ako kasi mas gusto kong iubos ang lakas ko sa pagkain ng Bulalo at ang mainit na sabaw kasi dadayo kami ng Tagaytay para maglunch.

Si Thomas

Opps me unting aberya, si Thomas (auto ni Pareng Denby) ay nasa talyer at kasalukuyang inaayos ang kanyang pampalamig or aircon sa mga di nakakaintindi hihi. Aba-aba dumating na si Denby me bagong scooter, actually nagkita kita na silang tatlo at ako nalang ang inaantay nila mga sampung minuto lang naman pagitan ng dating namin ni Tope. Ang aga daw namin sabi ni Denby ang sagot ni Tope para masulit ang whole day na activity at isa pa talagang early bird itong si Papoot kasi sabi ko 8am siya dumating abay alas sais palang andon na sa tagpuan at me kulang nakalimutan niya ang alak na binilin ko ahaha, isang 4 liters na bote ng Wilkins daw na Lambanog un haha.  Nakow pow buti nalang nga naiwan niya walang katapusang inuman un sigurado. Pero okay lang dami tindihan ng alak jan.

Tumuloy muna kami sa house nila Denby habang inaantay namin matapos ayusin si Thomas. Sa bahay nila naabutan namin si Tita Annabelle (mother ni Denby) at iba pang mga kasambahay nga pala nasa house din nila ang mother in law niya kaya lang homebody siya. Lunch time ayos na si Thomas kaya’t naghanda na kami pero naka-isang round na kami ng sesha. Hithit buga sarap ng usok hehehe.

Dunhill Switch at Sesha

Sesha muna habang inaantay si Thomas

Ito na ang umpisa ng kulitan sa daan palang dami ng kalokohan itong si Papoot mga salitang “Yam, yam, yam”, “Hitsurada”, atbp. ang lumalabas sa bibig niya na patok na patok naman samin ahaha. Minsan napapasayaw pa siya habang kinakanta ang Move, Shake, Drop ni Pitbull. Nakow gising na gising kami papunta palang ng Tagaytay.

Trust Us We are Engineers. We build lives, we build friendship.

OMG! We're driving at SLEX! LOL!

Engineers has arrive.

Mr. Pogi Pose

Ito na nasa Leslie’s Resto na kami at umpisa palang wow mali na itong si Papoot akalain mo naparestroom kami bombahin niya un gripong design ay puso de bomba di niya akalain na me pihitan pala ahaha. Order kami ng sinadya namin putahe ang Bulalo na me kasamang Pork Sisig, Pakbet na me pork at isang bandehadong kanin. Yum, yum, yum. Habang nag-aantay ng mga inorder tig-isa isang bote muna ng San Mig Light. Ika nga pampasarap ng kain. Pagdating ng pagkain, talo-talo muna sige kanya-kanyang higop ng sabaw, hiwa ng karne at ngataan haha. After ng lunch, kodakan, medyo walang magandang clearing kaya di gano kita ang view ng Taal Volcano. Ganun pa man ramdan pa rin namin ang lamig ng Tagaytay di nga lang kalamigan.

Wow mali

Wagas na smile ahaha. Me mali kasi

1 round of San Mig Lights

Kodakan Muna

Taga-Laoac ka kung???

Engineers at IT Engineer

Nagyaya si Denby na magpunta ng Robinsons Market sa bagong gawang Summit Ridge kung saan gusto niyang subukan namin ang Unlimited Kape at Cake. Mah Gad sigaw ni Papoot ahaha. Pero busog pa kami kaya’t lakad lakad muna at nilibot ang paligid ng Summit Ridge hanggang 2nd floor. At ng mapagod, ito na napagkasunduang magkape na at kumain ng panghimagas. Medyo sa umpisa ayaw pa nong dalawa pero ako gustong gusto ko na kumain ng tsokolate or ung Carrot cake. Pasok na kami sa Jeepney Pinoy Resto na matatagpuan sa 2nd Level ng nasabing gusali. Nakakatuwa ang mga offers, lahat me unli. Siguro ang me ari nito mahilig magUnlitext or Call. Unlimited Coffee at Cake for 150 pesos per person at daming pagpipiliang flavors pero wag na wag mo lang kunin un me puti sabi ni pareng Denby para makarami ka.

Meron din silang Eat-All-You -Can for only Php 160.00 sa mga piling-piling putahe. Beer-All-You-Can din sa mga mahilig magpakalasing at magsasabi ng “Wan 4 d Road but Where’s is da road?” Weh. Nakadalawang baso ako ng Kapeng Barako at tatlo’t kalahati ng Double Chocolate pero ang aga nagpatawag ng conference sa Kongreso kaya nagpaalam muna ako sa mga kaibigan ko, pagbalik pede na uli pero maya’t maya natawag naman ng conference si Presidente eh di ako makahindi kaya napa-Just a sec ako sa mga friends ko uli. HAHA! 🙂

Lakad palang napagkakamalan ng gangster

Pagkatapos ng naturang conference ako nalang pala inaantay at maggrogrocery na kami. Pagpasok na pagpasok palang me kakaibang mga mata ng nakamasid samin. Akalain mo un napagkamalan pa kaming di gagawa ng mabuti sa loob ng Robinsons Supermarket ng itong malisyosong roving guard sunod ng sunod. Porke ba mahahaba ang buhok at bigotilyo eh mukhang terrorista na di ba pedeng nagpapahaba lang ng hair at nagpapaka-Mr. Suwabe. At ito pa, halata ang kanyang kilos mukhang siya pa ang magseset-up samin eh, kasi naman dami Koreana at ibang lahi sa loob ng naturang grocery. Akala ko ako lang nakapansin napansin din pala nila kaya paglabas namin kuwentuhan kami tungkol sa nangyari haha.

After mamili ng mga tanpulots, alak at pagkain, eh umuwi na kami. Mahirap ng tumagal pa sa lugar na un ahaha. What happens next. Uber fun, inuman at sayawan.

At hindi dito natatapos ang saya. Clan of 99 Rocks! All year round!

Maraming Salamat sa nakapvery accomodating na pagtanggap samin Pare’t Mareng Denby at Camille. Maraming Salamat din Tita Annabelle sa pag-alok na magpalipas ng gabi sa LA pero me mga commitment po kami kinabukasan. Salamat sa pagpapasaya Boy Papoot Bernard Mose at sa walang humpay na paghihintay Pareng Topetot Kun ahaha.

Terminologies used po sa mga di nakakaalam:

LA = Laguna; Conference = Popo (Eww) Haha!; Bagelya = Backpack

Advertisements

~ by Kalongkong Hiker on 01/29/2012.

Leave your comment below...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
NBA.com | Hang Time Blog

The official news blog of NBA.com with commentary and analysis from NBA.com's staff of writers.

Mumblings from Four Decades plus

Stories. Life. Growth. Hurt. Rants. Love. Healing. Letters. Death.

Pilipinas, as i see it

Get to know the Philippines through the lens of a local. She is Gabrielle. Go ahead, travel with her stories.

soul searching with jei

The Mountains I climbed. The Tourist Spots I saw. The Adventure I've seen. The Places I loved. Will love. Continue to love.

Byaherang Barat

Take time to see the world and taste the fullness of life.Travel,experience the world for all its worth.

Sundry Shades of Green

infinite voyage to life

Daniel Pátaro

cinema, exploração e fotografia

Piglove

Adventures of Bacon and Friends

PLANET EARTH NEWSLETTER blog

33 PLANET EARTH groups on FLICKR and its PHOTOGRAPHERS are featured in this blog. We support Greenpeace, American Bird Conservancy and United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR).

Oil Pastels by Mary

Painting with oil pastels

Love 2 Type

because I get off hammering the keyboard

VanFrost

Exploring the Absurd

WoRdpRessuRe

Ultimate Jam P7 Sessionz

Dince's Chronicles

My Personal Blog

MEGASPORTSWORLD

The No. 1 Sportsbook in the Philippines

Topsy Turvy Kaly

An obsession. A passion. A lust for life.

%d bloggers like this: