An Open-Letter to Janet Napoles – Pork Barrel Scam

•08/20/2013 • 6 Comments

remate.ph janet napoles

Dear Janet,

Hindi ko alam kung makakarating sa iyo itong sulat na ito. Idinaaan ko sa Facebook kasi bente otso ang bahay mo, trenta kung ibibilang pati lower house at senado. Kaya hindi ko alam kung saan ia-address, mahal ang selyo, lalong mahal kung ipapa-LBC ko sa lahat ng bahay mo. Hindi ko rin alam kung mababasa mo ito talaga kasi ako man ang lumagay sa pwesto mo, tiyak hindi ako magbubukas ng FB. Babalik ako sa Friendster.

Kahit nasaan ka man ngayon, kung nasa isang yate sa Celebes Sea palabas ng Pinas o nagpaparetoke ng mukha at katawan sa Bangkok o nagpapatanim ng balbas at bigote sa Tayuman, susulat pa rin ako. Dahil isa ito sa kaya kong gawin habang ngumangata ng sinangag at Reno Liver Spread.

Simple lang naman, sumusulat ako sa iyo kasi, kasi paano ko ba ito papadaliin, kasi hayup ka. Ikaw ngayon ang napagbubuntunan ko kasi habang isinusulat ko ito, naaanggihan ako ng ulan. Hindi ko maipagawa ang bubong ng kapiraso kong barong-barong dito sa Coloong. Kailangan kong lumayo sa mag-iina ko dahil kailangan kong magtrabaho dito at kaltasan ng buwis, mga otso mil kada buwan. Hayup ka. Andaming diaper na mabibili sa otso mil. Andaming gatas. O paracetamol hayup ka.

Gusto kitang makulong sa Manila City Jail. Gusto kitang palusungin sa bahang may ihi ng daga. O sige, tutal sulat ko naman ito kaya masasabi ko ang gusto ko: gusto kitang maghirap nang husto. Gusto kong mabungi ang lahat ang ngipin mo maliban sa isang ngiping bawal bunutin, yung ngipin sa harap. At iyang ngipin mo sa harap, habampanahon sanang kumirot hayup ka.

Hindi mo ito magagawa nang mag-isa. Marami kang kasabwat sa kabuhayan slash kababuyan mo. Bukod sa Kongreso, kasabwat mo ang nagpapalabas ng pera namin sa DBM. Siguradong mayroon sa COA. Tapos iyong mga NGO na nakakapit sa kung saan-saang sangay at Department ng Malakanyang. Kaso, at ito ang maganda sa bayan mo, makakakuha ka ng tala-talaksang magagaling na abogado. Dahil bilyonarya ka, sasaksakan mo ng bayong-bayong na pera namin ang kahit sinong kokontra sa iyo. Lahat. Dahil dito kayo nabuhay ng pamilya mo. Ang manuhol ng pera namin. Ano nga uli ang ibig sabihin ng iginisa sa sariling mantika?

Yung nangupit nang barya-barya ang napaparusahan dito sa bayan mo. Alam mo iyan, kaya bilyon-bilyon ang ninakaw mo. Kaya isang batalyon ang nagtatanggol sa iyo: pulitiko, abogado, huwes, si Korina, mediang nabubuhay sa kalabit-penge, Kongreso. At kami, alam mong darating ang oras na magugutom, uulanin, babahain, at aasa kang makakalimot kami.

Hindi ko naman talaga kayang ipangako na hindi ako makakalimot sa kahayupan mo, ninyo. Mamaya, magba-brownout dahil sa baha. Baka nga hindi ko na rin ito maging istatus sa FB dahil baka ubos na ang load ng internet ko. Poproblemahin ko ang tanghalian at hapunan at makakalimutan kita dahil kailangan kong isalba mula sa baha ang kaunting anik-anik na naipundar ko sa pagtuturo at pagpapatawa o pagtuturo nang nagpapatawa. Samantalang ikaw? Hayup ka.

Wala akong ipapanawagan. “Tawag” ang salitang-ugat ng panawagan (nyemas, hindi ko maialis na maging titser kahit sa oras ng pagsesentimyento ko). May epekto ang tawag sa nakakarinig. Eh bingi kayo di ba? Kaya nga idinaan ko sa sulat dahil sigurado akong nakapagbabasa ka lalo na ng kulay ng pera at nakasulat sa tseke.

Hindi ako mag-aaya sa August 26 sa Luneta. Kasi baka ako mismo, hindi makarating dahil baka nagtatae ako sa kinain kong murang barbeque, baka botsa kasi. Natatakot din kasi ako na baka pakana mo rin ang mangyayari sa Luneta. At pipilitin mong magkagulo. Ano ba namang magpasabog ka ng ilang pillbox na binili ng gangsta mo sa mga lumpen na gangsta sa Baseco sa Tondo at Banaue, Quezon City. Na baka nga sinimulan mo nang magpasabog tulad nung sa Cagayan de Oro, Cotabato, at Greenhills. Tapos dahil sa takot ng mga tao, kakaunti talaga ang dadalo kaya mava-validate mo, ng abogado at kampon mong pulitiko, na wala talagang public clamor para parusahan ka.

Kaya susulat na lang muna ako. Ito ang kaya kong gawin. Kaya hindi muna ako makakalimot. Iuukilkil ko sa sinumang makakabasa at makakarinig sa akin na pwede ba, huwag muna tayong makalimot. May oras at araw kayo. Huwag munang makalimot hanggang dumating ang araw ninyo. Darating ang araw ninyo kapag sinabi at sineryoso na nung nakatira sa Malakanyang, yung tao na laging nag-i-invoke na ako ang boss niya at dapat maglakad ako sa kaniyang tuwid-na-daan, na parusahan kayong makulong sa tunay na kulungan at hindi sa resort na kung tawagin ay St. Luke’s o Veterans. At sana, habang nakakulong, kumirot habampanahon ang namamagang ingrown sa hinlalaki at molar teeth mo. Hindi dapat ako nag-iisip ng masama sa kapwa. Sa kapwa. Pero ibang specie ka.

Hindi ako papayag na mag-crash ang Lear Jet mo. O lumubog ang yate mo. Masyadong madaling kamatayan. O baka nga gawin mo pa itong palabas. Tapos mabubuhay ka bilang ibang tao o ibang hayup. Tapos magiging paksa ka na ng mga conspiracy theorist na nagsasabing buhay si Marcos, Michael Jackson, Elvis, John Lennon, Michael Jordan (syet, buhay pa nga pala si MJ, bura-bura). Hayup ka. Ang swerte mo, makakasama mo sila sa alinman sa isla sa Greece o Cyprus.

Pero alam mo yun, at the end of this rainy day, lalangoy ka sa pera namin, papakainin mo ng nakaw ang pamilya mo, at ako, magtsetsek ng exam ng mga estudyante kong kabilin-bilinan kong mabuhay nang parehas, nang patas dahil ang tunay na edukasyon ay hindi lang basta makapasa sa board exam. Ang tunay na edukasyon ay mabuhay nang parehas at makatao.

Saka na muna yung ganap na world peace. Ang mahuli at maparusahan ka kasama ng iyong minions will make this world a better place.

Joselito D. Delos Reyes

Pahabol: sa makakabasa at gustong i-share ito hanggang sa makarating sa Friendster account ni Janet, i-share nyo na. Baka bilhin bigla ni Janet ang Facebook. Yari tayo.

Tawanan Time: Sampung Prutas (10 Fruits)

•10/11/2012 • Leave a Comment
Ang mga bida ng wentong to.

May 3 mountaineers na nahuli ng mga cannibals sa Bundok. dinala sila sa harap ng tribal chief para siya ang pupugot ng ulo, nagmakaawa yung mga mountaineers. Naawa naman yung chief.

Chief: sige hindi namin kayo papatayin, sa isang kondisyon. Kailangan isa-isa kayong mangolekta ng 10 pirasong prutas. dalhin nyo iyon dito at saka ko sasabihin ang sunod nyong gagawin.

Naghiwa-hiwalay ang tatlong magkakaibigan. unang dumating si Levy, dala-dala’y 10 santol.

Chief: Ngayon, ipasok mo ang lahat ng mga prutas na iyan sa iyong puwit. kailangan ay hindi magbabago ang mukha mo, konting ngiwi o ngiti lang ay pupugutan ka agad namin ng ulo.

Unang santol pa lang ang pinapasok ay napa-sigaw agad si Levy. agad siyang pinugutan ng ulo.

Sunod na dumating ay si Ariel, dala-dala’y 10 lansones. tuwang-tuwa siya ng in-explain sa kanya nung Chief kung ano ang kailangan nyang gawin.

Ariel: sus! sisiw lang pala. kayang-kaya! buti na lang maliit na prutas ang kinolekta ko. naipasok ni Ariel ang mga lansones sa kanyang puwit ng walang problema. ngunit nung nasa pang-10 prutas na siya, bigla siyang napatawa.

Pugot-ulo din agad si Ariel ng Chief.

Pagkamatay ay napunta agad si Ariel sa langit kung saan nakita niya si Levy. nagkausap ang dalawa.

Levy: sayang Ariel! pinapanood kita dito sa langit habang ginagawa mo yung utos. Isang lansones na lang hindi mo pa tiniis! buhay ka pa sana ngayon. ano bang nangyari sayo?

Ariel: pare, ang dali-dali ngang ipasok nung mga lansones. kaso, Nung matatapos na ako bigla kong nakita si pareng El Tarik“ – – -may dala-dalang 10 LANGKA!

Hahahahaha :-D :-D :-D 😀😀

Hit Like and Share it you laugh at this! Thanks!

3 Simple Steps To Lower Uric Acid Levels Naturally

•08/26/2012 • 2 Comments

Sa mga nirarayuma at may gout na.

Ito ang 3 simple tips paano mapapababa ang uric acid levels sa ating dugo sa natural na paraan.

(1) Drink between 2 and 3 liters of water everyday. Drink small amounts regularly throughout the day. Water helps the kidneys to process and flush uric acid out of the body.

(2) Consume a baking soda solution to help dissolve uric acid crystals, and, increase uric

acid solubility. Add 1/2 teaspoon of baking soda to 8 oz of water. Mix thoroughly, and drink maximum 8 glasses daily. One before bedtime, one when you get up in the morning, and one every 2 to 4 hours between meals. Repeat until the symptoms have gone.

[Note: Since baking soda is high in sodium, change to a salt-free diet whilst taking this remedy. And, if you suffer from high blood pressure, although you can take it as long as you monitor your blood pressure closely, it’s better not to use this remedy at all.]

(3) Change to a low purine diet. Since uric acid comes from the breakdown of purines, and, purines also exist in our foods, a gout sufferer needs to go onto a diet that is relatively low in purines. This also means avoiding high purine foods completely…

The general types of food to avoid are fatty red meats, offal, poultry and some seafood. And, it’s important to avoid alcohol. Beer, in particular, is a trigger for gout.

The types of foods that make up a low purine diet are things like; essential fatty acids (e.g. tuna, salmon, etc.), low-fat dairy products, complex carbohydrates (e.g. bread, cereal, pasta, rice, vegetables, fruit, etc.), fruits such as cherries, strawberries, blueberries, grapes, etc.

These are three of the most effective natural ways to reduce uric acid levels. Try them if you’ve got gout just now and see how they work for you…

Remember diet is first remedy. Protein are building block after age of 30 body start aging so decrease amount of protein & take vegetables. When it increase above 6 consist while maintaining diet you can go for homeopathic medicine as long-term high level lead to kidney or gall bladder stones.

Dagdag kaalaman sundan dito: http://askdrmakkar.com/gout.htm
Source: https://www.facebook.com/LiveLaughLoveFriends
Original Source: http://jcielo.hubpages.com/hub/How-to-Lower-Uric-Acid-Levels-Naturally

 

 

 

August 22 is Pao – Lou’s 9th Love Anniversary!

•08/22/2012 • 1 Comment

Hapon ng ika-22 ng Agusto taong 2003, malakas ang ulan, mahangin at bumabagyo noon, magkasama kami ni Andrea Lou. Kahit na kasalukuyang nanalasa ang bagyong si Niña, ako at si Rhea kung siya ay tawagin, kami ay kasalukuyang nagrerehearse ng sayaw para sa college intramurals kasama ang aming mga team mates sa plaza or auditorium ng Manaoag harap lang ng aming school at simbahan ng Our Lady of Manaoag, kung saan ako ang Team Captain ng Black team.

Ewan ko ambilis lang ng pangyayari at bibilisan ko rin ang kwento ko haha:-) na kung namiss ko yung pagkakataon na yun siguro di naging kami at di na magiging kami kasi ito rin yung araw na sinabi ko sa kanya na pinakahuling pagkakataon na ihahatid ko na siya (gumigive up na ang peg ng lolo mo, taray! haha!😀 ) sa terminal ng sakayan nila ng tricycyle para umuwi sa kanila, walang iba kundi sa Borac.

Asus, di ko na papatagalin mga kaibigan ang story ng love life ko kasi di naman ako ganun kagaling magkwento ng aking love life ahaha. Ito ang nangyari, kami’y naglakad sa malakas na ulan gamit ang isang napakaliit na payong hehe at sinadya ko talagang di magdala ng payong everyday non para lang makipayong sa kanya at pagkahatid na pagkahatid ko kanya at nakakaapat na akong hakbang nang me narinig akong maliit, matinis na pabulong na salita na parang nangagaling sa isang anghel at binanggit ang katagang “I love you“, parang me kakaibang simoy ang hangin at ito’y aking narinig sa kabila ng malakas na ulan at sagitsit ng hangin.

Ako’y dali daling bumalik at weh ayoko ng sabihin ahaha, oo sumagot ako ng “I love you, too” ako ba talaga dapat ang sasagot ng ganyan, danun! Ako na, Ako na talaga! Yun na pak na pak as in swak, kami na nga, di ako makapaniwala pero ang saya ko talaga kahit na masama ang panahon kaya tuwing me bagyo me mga masaya akong naaalala. Di na uli kami lumabas ng hapon na un at hinayaan ko na siyang umuwi tutal me bukas pa naman. Ako’y nagpaalam nalang sa kanya at umaasang magkikita bukas. Kinabukasan siya na rin ang excited na nag-announce ng aming churva sa aming mga giliw na mga kaibigan at classmates.

Ayan na at yun na! Kasal na kami ngaun after 8 years ng pagsusuyuan at alitan sempre at ngaun ay biniyayaan ng 2 malulusog at cute na cute na mga anak na sina Vanining at PJ.

Sa pinakamamahal kong maybahay Happy Anniversary, hindi man umuulan at bumabagyo ngaun eh mainit naman ang pagmamahal ko sayo sing init ng panahon ngaun at siritsit ang araw dito Pilipinas ngaun. Nawa’y di ka magsasawa sakin at tumanda tayong dalawa na magkasama habangbuhay. Mahal na mahal kita, heyaw haha! Kilig naman kayo. Oh, siya, siya. Hanggang dito nalang. Maraming salamat sa mga magcocomment at babati sa amin in advance. Charot! Yown na! Ola chika! Mabuhay! Gotta run!

Yours Truly, My daughter Rhian Pauleen, My Son Paul Jacob and My Dear Andrea Lou.

Inspiration of the day: Never Quit! Success is Waiting!

•08/21/2012 • Leave a Comment

I never quit in life and I know success is there waiting. Never quit folks!

A Special Birthday Greeting To My Brah Maichee! <3

•08/15/2012 • Leave a Comment

Video Title: Ang Buklod Tao at Barangay Banaba – Birthday Special

Thank you message from my brahder Michael Vincent Dela Cruz Mercado aka Maichee:

Thank you to all who took time to greet on my birthday! As thank you, let me share to you a video greeting from Buklod Tao and Barangay Banaba, and a special appearance of Micaela Papa (who I’m pretty sure nakikita ko sa CMC before). They’re under so much stress lately due to extreme weather events but they still took time to send me a message. Thank you Ate Ria! – Mikel


For those who don’t know, my sibling documented and created a thesis film entitled “Ang Buklod Tao at Barangay Banaba” as a requirement to graduate in UP College of Mass Communication where he stayed 9 years of unbroken residency and schooling in UP Diliman. Nice!:-) I think I wanna cry haha. Congratulations boy/gurl we’re proud of you!

It’s all because of his hard work, love and passion to help others that it greatly impact the heart’s of Barangay Banaba community and they are truly thankful on what he’s done (or she’s) ahaha. Kudos bro! I know helping others runs in our veins, keep it up and I support you! Labyah! Happy 25th Birthday! We’re not getting any younger ah. Kalongkong Rocks!

Resources: http://iskwiki.upd.edu.ph/index.php/Ang_Buklod_Tao_at_ang_Barangay_Banaba

CSS Basketball Season 5: Week 3 Highlights – by JerameelB

•07/28/2012 • Leave a Comment

 

 
NBA.com | Hang Time Blog

The official news blog of NBA.com with commentary and analysis from NBA.com's staff of writers.

Mumblings from Four Decades plus

Stories. Life. Growth. Hurt. Rants. Love. Healing. Letters. Death.

O.O

The World As I See It

soul searching with jei

The Mountains I climbed. The Tourist Spot I saw. The Adventure I seen. The Places I loved. Will love. Continue to love.

ByaherangBarat

Take time to see the world and taste the fullness of life,-- Travel,experience the world for all it's worth.

MagandangDalag Blog

Philippines Mother Nature

Sundry Shades of Green

infinite voyage to life

Daniel Pátaro

exploração e fotografia

Piglove

Adventures of Bacon and Friends

PLANET EARTH NEWSLETTER blog

33 PLANET EARTH groups on FLICKR and its PHOTOGRAPHERS are featured in this blog

Briar Rose

by Elaina Jensen

Oil Pastels by Mary

Painting with oil pastels

Love 2 Type

because I get off hammering the keyboard

VanFrost

Exploring the Absurd

WoRdpRessuRe

Ultimate Jam P7 Sessionz

Dince's Chronicles

My Personal Blog

MEGASPORTSWORLD

The No. 1 Sportsbook in the Philippines

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 342 other followers

%d bloggers like this: